Pangulong Duterte , muling inulit na ayaw niyang tumakbong presidente ang kanyang anak na si Davao city Mayor Sarah Duterte Carpio
Makailang beses ng inihayag sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang tumakbo sa halalang pampanguluhan sa susunod na taon ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio.
Sa kanyang regular weekly Talk to the People muling inulit ng Pangulo ang kanyang posisyon na ayaw niyang tumakbong Presidente si Mayor Sarah dahil masyadong marumi ang pulitika sa bansa.
Ayon sa Pangulo bilang ama ay masasaktan siya kapag babastusin ang kanyang anak ng mga kritiko ng administrasyon na kinabibilangan nina dating Senador Antonio Trillanes IV at Senadora Leila de Lima.
Inihayag ng Pangulo na mas gusto niyang manalo ang kanyang mga kritiko para malaman nila ang tunay na sitwasyon sa pagpapatakbo ng gobyerno na puro problema ang dulot.
Magugunitang inihayag ni Mayor Sarah na bukas siya sa panawagang tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Vic Somintac
Please follow and like us: