Aabot sa walong libong kadete lumahok sa kauna-unahang ROTC games
Nais ni Senador Francis Tolentino na gawin nang institutionalize ang Philippine Reserve Officers Training Corps o ROTC games
Sa pagtatapos ng ROTC games Luzon leg sa Cavite, sinabi ni Tolentino na sa pamamagitan ng sports mas malaki ang tiyansa na maging disiplinado ang mga kabataan
Sa katatapos na ROTC games, aabot sa walong libong kadete ang lumahok sa kauna unahang ROTC games.’
Bukod pa rito ang mga estudyante mula sa mga pribado at pampublikong eskwelahan sa buong bansa
Ang mga kabataan, lumahok sa Basketball, Track and field, Boxing, Arnis, Volleball at iba pang palaro
Dinaluhan rin ito ng mga opisyal ng Department of National Defense o DND, Philippine Sports Commission o PSC at mga Local Government Units o LGUs
“Nagkakasundo na ang mga eskwelahan na gawing tuloy tuloy private education institution national games ng teritory level mayroon mula Appari hanggang Tawi – Tawi.” pahayag ni Senador Francis Tolentino
Sabi ni Tolentino, sa pamamagitan ng ROTC games, nai-po-promote ang patriotism o pagiging makabayan
Maaari rin aniyang mamili ang PSC sa mga lumahok sa ROTC games para gawing mga pambato sa ibat ibang sports sa buong mundo.
Sa Oktubre inaasahang magsisimula na ang ROTC games sa National Capital Region o NCR habang natapos na ang Visayas at Mindanao leg ng ROTC games
“Ang dami puwedeng pagpilian na talent disiplinado kasi itong mga ito talagang mayroong pagtitiyaga pagkukuhanan ang athlete malaking potensyal para makakuha ng athlete” dagdag pa ni Tolentino.
Meanne Corvera