Abnormal na suplay ng tubig, patuloy na mararanasan ng mga customers ng Manila Water
Patuloy na magpapatupad ng rotational water interruption ang Manil Water sa mga costumers nito sa Metro Manila sa kabila ng mga thunderstorms at manaka-nakang pag-ulan.
Sa panayam ng Radyo Agila kay Manila water Technical spokesperson Kristine Guevarra, hindi pa rin kasi bumabalik sa normal ang antas ng tubig sa Angat dam lalu na pa nga’t bahagya na namang nabawasan ito sa nakalipas na 2 araw.
Aabot aniya sa 350 hanggang 400 million liters kada araw ang nawala sa suplay ng Manila water dahil sa mababang alokasyon mula sa Angat dam.
Bagamat halos nasa 100 porsyento na ng kanilang mga costumers ang naibalik na ang normal na suplay ng tubig, may mga pagkakataon aniya na makakaranas pa rin ng mga interruption dahil sa ginagwa nilang pagdidistribute ng suplay ng tubig sa 6.8 milyon nilang customers.
Sakali namang makaranas ng hindi naka-schedule, delayed o hindi tumutugmang water interruption ay maaaring tumawag sa kanilang hotline na 1627 o sa bagong likha nilang alternate hotline number na 248-4400.
“Ang ginagawa namin, we’re managing over 5,200 kilometers ng water pipelines, parang kasing-haba ng 200 Edsa at dahil pinagkakasya natin at kailangang i-manage ang suplay, may mga tao kami na pumupunta sa mga valves ng personal, magbubukas ng manhole at pipihitin ang valves na yun. Isa pa sa dahilan kung bakit maaaring delayed o hindi tumutugma ang scheduled interruption dahil depende ito sa elevation o topography ng area. kaya pinapayo namin sa mga customers, kung mag-iipon ay sapat lamang dahil araw-araw naman ay nakakaranas na ang aming 100 porsyentong customers ng 8 hours na tubig kaya araw-araw ay may garantiyang magkakaroon talaga ng tubig”.