Abrogation ng VFA pinalawig pa ng anim na buwan
Muling sinuspinde ng anim na buwan ang abrogation ng visiting forces agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Foreign affairs Secretary Teddy Locsin Jr., iniutos ng pangulo ang pag-extend sa pagbuwag sa VFA.
Itoy habang nag-uusap pa ang Pilipinas at Amerika para sa mga bagong probisyon ng kasunduan.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na sinususpinde ang pagwawakas ng naturang kasunduan.
Ang VFA ay nakatakda na sanang ibasura noong August 9 ng nakaraang taon pero pinalawig ito ng gobyerno hanggang June 1 dahil sa political development sa rehiyon.
Meanne Corvera
Please follow and like us: