Absent ka ba dahil sa UTI?
Mga kapitbahay, mabuti na may alam tayo tungkol sa mga karaniwang sakit gaya ng UTI, urinary tract infection.
Infection sa daluyan ng ihi, puwedeng infection sa kidney, sa urether, sa pantog o bladder o sa urethra.
Aba, marami pa lang klase ang UTI sabi ni Dr. Carlo Trinidad, isang Nephrologist.
May tinatawag na acute and complicated cystitis na siyang pinakacommon.
Karaniwang tawag natin ay ‘balisawsaw’.
Ito ay ang simple na uri ng UTI na hindi ka lalagnatin, wala gaanong sintomas maliban sa mahapdi ang ihi, ‘yung ihi ng ihi halos oras-oras nagpupunta ka sa CR.
Kapag ganito ang klase ng UTI, puwede ka pa pumasok sa work.
Pero kapag ang UTI ay umabot na sa kidney, ang tawag dito ay acute pyelonephritis na mas grabeng infection na puwede kang lagnatin, manginig, sumakit ang tagiliran at maospital, hindi makakain at nagsusuka at sobrang taas ng lagnat.
Babae ang karaniwang nagkaka-UTI, dahil mas madaling makapasok ang mikrobyo galing sa balat patungo sa ari ng babae, sa daluyan ng ihi at mas malapit sa butas ng puwet ang ari ng babae, kaya mas madaming bacteria na nakapapasok.
Sabi pa ni Doc Carlo, may mga paraan para makaiwas, at isa na rito ang hygiene.
Laging magpalit ng underwear, maligo. Sa mga babae, gumamit ng feminine wash.
Samantala, sa mga nagsasabing kaya nagkaka-UTI ay dahil sa hindi palainom ng tubig, ito po ang sagot ni Doc Carlo …
Kapag hindi mahilig uminom ng tubig, hindi nangangahulugan na magkaka-UTI.
Kapag umiihi palagi, laging napa-flush ang ihi, so, ang bacteria ay hindi nananatili sa pantog.
Pero, hindi naman ang ibig sabihin na kapag konti ang naiinom na tubig ay magkaka-UTI na.
Sa madaling salita, hindi ‘yung pag-inom ng tubig ang talagang dahilan ng UTI .
So, mga kapitbahay tandaan po natin na may UTI kapag may ganitong sintomas … mahapdi umihi , parang may buhangin, masakit either sa simula o sa dulo ng pag-ihi, hindi maipaliwanag na pag-ihi palagi (punta ng punta sa CR), masakit ang puson o sa ilalim ng puson.
Sa mga karagdagan pang kaalaman sa UTI, panoorin po ninyo sa You Tube at FB, Kapitbahay Radyo Agila, Feb. 7 episode.
Salamat mga kapitbahay!