Abu Dhabi, magpapatupad ng mas mahigpit na panuntunan para sa mga hindi pa bakunado
ABU DHABI, United Arab Emirates (AFP) – Simula sa susunod na Martes, ay magpapatupad na ang Abu Dhabi ng mga bagong panuntunan, kung saan babawasan na ang malimit na pagsasagawa ng coronavirus testing bago makapunta sa mga pampublikong lugar, para sa mga fully vaccinated na.
Lahat ng mga residente sa pinakamalalaki sa pitong emirates na bumubuo sa UAE, ay binigyan ng color-coded app kung saan naka-detalye ang kanilang testing at vaccination history.
Ayon sa Abu Dhabi Media Office, simula sa susunod na linggo, yaon lamang may “green” status ang papayagang pumasok sa shopping malls at malalaking supermarkets, gyms, hotels, parks, beaches and swimming pools, entertainment venues, cinemas, museums, at restaurants and cafes.
Mananatili ang “green” status ng mga nakakumpleto na ng 2 doses ng bakuna sa loob ng 30-araw, makaraan ang huli nilang negative PCR test, habang hanggang tatlong araw lamang ang itatagal nito para sa mga hindi pa bakunado.
Noong Abril ay nagbabala ang United Arab Emirates na naglunsad ng pinaigting na vaccination campaign, na yaong mga hindi pa magpapabakuna ay hihigpitan sa kanilang mga galaw.
Nitong nakalipas na buwan, inanunsyo ng Dubai na papayagan na nila ang mga tao na dumalo sa sports events at concerts, kung sila ay bakunado na.
Sa kabuuan, ang UAE ay nakapagtala ng higit 589-libong mga kaso ng COVID-19, kung saan 1,710 rito ang namatay.
@ Agence France-Presse