Abuse report hotlines at email ng DepEd, nagsimula nang makatanggap ng mga reklamo ng pag-abuso
May natatanggap ng mga reklamo ng pag-abuso ang bagong lunsad na hotlines at email address ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, bukod sa sexual abuse, may mga reklamo rin ng verbal at pisikal na pag-abuso sa mga paaralan ang idinulog sa abuse report hotlines at email.
Sinabi ni Poa na direktang nakipag-ugnayan na mismo siya at ang Office of the Secretary sa mga nagdulog ng reklamo.
Aniya, kinuha na nila ang detalye ng mga nagreklamo para masimulan na rin ang imbestigasyon.
Karamihan aniya ng mga reklamo at ulat ay ipinadala sa email address na [email protected].
Ang abuse report hotlines at email ay inilunsad ng DepEd bilang bahagi ng aksyon ng DepEd upang mapalakas ang mga hakbang sa child protection sa mga eskuwelahan.
Moira Encina