Acidic Foods
Let’s face it, majority sa ating mga kababayan ay hindi priority ang dental o ang ating mga ngipin.
Most ignored kung tutuusin .
Food is essential, pero, paano papasok ang food?
Talk is essential , pero, paano ka makapagsasalita nang maayos kung masakit ang ngipin?
Pati self-confidence nandiyan sa bibig kaya hindi dapat na balewalain .
Ang kaso, kung kelan severe o malala na ang problema sa ngipin ay saka lamang maaalala ang dentista.
Gusto kong ibigay sa inyo ang mga kaalaman ukol sa oral health discomfort na karaniwang nararanasan, na karamihan ang ginagawa ay nagseself-medicate lang .
Ang isa ay ang sharp pain. Ito ‘yung sobrang pagsakit ng ngipin .
Kumain at pagkagat sobrang sakit ang naramdaman.
Ang hindi alam ay meron na palang untreated o hindi nagagamot na bulok na ngipin sa loob ng gums o ngipin.
Ang ginagawa ng marami, iinom lang ng pain reliever at kapag nakaramdam ng ginhawa ,okay na, hindi na nagpupunta sa dentista , pinabayaan na .
Alam po ba ninyo na may posibilidad na may root caries, ito ang nasa ilalim ng gilagid. Sa labas walang makikitang sira o problema .
Ang isa pang oral health discomfort ay tooth sensitivity.
Ito ‘yung pangingilo ng ngipin.
Nagiging sensitive ang mga ngipin. Lalo na kapag nagga- grind ng ngipin sa gabi , o kapag madiin na magsipilyo.
Kaso, ang daming binabalewala lang ito hanggang sa lumala, at saka na maaalala si dentista.
Ang isa pang discomfort ay ang tinatawag na crack tooth syndrome.
Kapag ikaw ay mahilig na kumain ng matitigas.
Ito ‘yung buo ang ngipin na nabasag sa loob.
Hindi ito totally nakikita. Hindi mo makikita sa labas pero nasa loob ang basag o crack, ibig sabihin may trauma.
Nangyayari ito kapag sobrang lakas ng pagkagat kaya nagka-crack.
Ang lakas ng bite o kagat ay 200-300 pounds, ilang sako ng bigas ‘yun?
Strongest substance of the body ang ngipin.
Kaya kapag sobrang matigas ang kinagat puwedeng mag-crack.
Samantala, gusto ko lang sagutin ‘yung nagtanong tungkol sa enamel orosion.
Malaking kinalaman dito kapag mahilig ka sa acidic foods,
Nalalapnos ang balat ng ngipin.
“Yung iba na ginagamit ang lemon para panlinis ng ngipin na ang ginagawa ay kinakaskas ang lemon mismo sa ngipin, naku, ang resulta nito ay puwedeng malusaw ang enamel at nakakapangilo.
Ang payo ko lang kapag uminom kayo ng lemon, matiyak na magmumog ng tubig .
Anything acidic na kinain mo, kailangang magmumog agad ng tubig para maalis ang acid .
Simpleng solusyon , hindi ba ?