Acting Chief Justice Antonio Carpio, isinulong ang pagkakaroon ng kasunduan ng Pilipinas, China at Vietnam sa pangingisda sa Scarborough Shoal

Nais ni Acting Chief Justice Antonio Carpio na magkaroon ng kasunduan ang Pilipinas, China at Vietnam sa pangingisda sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Carpio, walang common agreement sa pagitan ng tatlong bansa ukol sa panuntunan sa pangingisda sa Scarborough Shoal.

Ito ay kahit anya idineklara sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration na common fishing ground ang nasabing teritoryo ng mga mangingisdang Pilipino, Chinese at Vietnamese.

Naniniwala si Carpio na panahon na para magkaroon ng kasunduan sa harap na rin ng sinasabing pang-aagaw ng Chinese Coast Guard sa mga nahuling isda ng mga Pinoy sa Scarborough Shoal.

Mahalaga rin anya ang pagkakaroon ng kasunduan sa pangingisda sa lugar para maprotektahan at matiyak ang sustainable fishing sa Scarborough Shoal.

 

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *