Acting Chief Justice Antonio Carpio nagtalaga ng mga OIC sa mga tungkulin ng naka-leave na si Justice Diosdado Peralta
Nagtalaga ang Korte Suprema ng mga pansamantalang kapalit ni Justice Diosdado Peralta sa mga tungkulin nito habang nasa official business leave.
Mula November 26 hanggang December 1 ay nasa Sydney, Australia si Peralta para dumalo sa counter-terrorism study
Sa special orders na nilagdaan ni Acting Chief Justie Antonio Carpio , itinalaga si justice Mariano del Castillo bilang Acting Chairperson ng Raffle Committe for division cases habang wala si peralta.
pansamantalang miyembro naman ng raffle committee for division cases si Justice Francis Jardeleza.
magiging acting signatory din si justice del castillo at acting chairperson ng house of representative electoral tribunal.
Si Justice Marvic Leonen naman ang itinalagang acting chairperson ng Supreme Court Third division na pinamumunuan ni Peralta.
Ulat ni Moira Encina