Active cases ng Covid-19 sa hanay ng mga health worker sa bansa, tumaas pa
Bagamat malaking porsyento na ng mga healthcare worker sa bansa ang nabakunahan na kontra Covid-19, patuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso ng virus infection sa kanilang hanay.
Sa datos ng Department of Health, may 433 aktibong kaso ng Covid -19 ngayon sa hanay ng mga health worker.
Sa active cases na ito, 250 ang mild, 133 asymptomatic, 21 ang nasa moderate condition, 20 ang severe, 9 ang kritikal.
Sa kabuuan, umabot na sa 24,895 health workers sa bansa ang tinamaan ng Covid- 19.
Pinakamarami sa kanila ay mga nurse, sinundan ng mga doktor, at nursing assistant.
Nakarekober naman na ang 24,357 sa kanila.
May 105 naman ang nasawi.
Sa datos ng DOH hanggang noong Setyembre 7, umabot na sa mahigit 2.4 milyong A1 o Frontline Health Workers and Expanded population ang naturukan ng unang dose ng Covid-19 vaccine habang mahigit 2 milyon naman ang fully vaccinated.
Madz Moratillo