Active cases ng iba’t ibang variant ng COVID 19 na nakapasok sa bansa,bumaba na – DOH
Bumaba na ang bilang ng mga aktibong kaso ng iba’t- ibang variant ng COVID 19 na nakapasok sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, sa ngayon ay 8 na lang ang active cases ng UK variant ang naitala sa bansa.
Habang may 5 actual cases naman ng South African variant at 1 active case ng Philippine variant.
Pero paalala ng DOH ang Philippine variant ay hindi variant of concern at walanf ebidensya na nakitang may epekto ito sa galaw ng virus.
Ayon sa DOH, sa 7,213 samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center, 1,098 ang kabuuang bilang ng natukoy na South African variant, 952 ang UK variant, 157 ang Philippine variant, 2 ang Brazilian variant at 2 ang Indian variant.
Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na pinakamabisa paring panlaban sa iba’t ibang variant na ito ng COVID-19 ang pagsunod sa minimum public health standards.
Para naman sa mga pasok sa priority list na pwede ng mabakunahan, samantalahin umano ang pagkakataon at magpabakuna na.
Madz Moratillo