Advocates na gawing legal ang paggamit ng medical marijuana hihingi ng tulong kay Pangulong Duterte
Matagal na rin ang usapin na gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot o para sa medical purposes.
Sa pagkakataong ito, hihingin ng mga advocate na maipasa na ang House Bill 180 o ang Philippine Compassionate Medical Act —ang tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ng isang advocate mula sa Philippine Cannabis Compassion Society na halos mag-aapat na taon na rin silang naghihintay at marami na sa kanilang miyembro ang namatay at magpasahanggang ngayon ay patuloy pang umaasa ang marami na maipasa na ang nabanggit na House Bill.
Pagbibigay diin pa ng isang advocate gawing legal ang paggamit ng marijuana at ang kanilang adbokasiya lamang ay ma-iproseso ang marijuana bilang cannabis oil extract, tincture, suppositories, capsules, pills, sprays at topicals.
Paliwanag naman ng may akda ng naturang House Bill No. 180 na si Isabela Rep. Rodolfo Albano III, hangarin ng kanyang iniakdang House Bill na mapagkalooban ang pasyente ng access sa safe, affordable, available medical cannabis na prescribed ng isang doktor sa mga kaso na napatunayang ang cannabis ay epektibo sa paghadlang, paggamot, at management ng tukoy na karamdaman.
Dagdag pa ni Albano libong mga pasyenteng dumaranas ng malubhang karamdaman ang naniniwala na kung magiging legal ang paggamit ng cannabis, mapapagaling sila nito.
Ulat ni: Anabelle Surara