Afghanistan mission pananatilihin ng UN sa kabila ng withdrawal ng US at NATO
UNITED NATIONS (AFP) — Inihayag ng UN na pananatilihin nito ang kanilang political at humanitarian mission sa Afghanistan, sa kabila ng nakatakdang pag-alis doon ng mga tropa ng US at NATO.
Sinabi ni Stephane Dujarric, spokesman para sa UN secretary-general . . . “It was clear and obvious that the troops’ departure will have an impact on the country as a whole. We will continue to study the situation, but our work in Afghanistan will continue.”
Ang United Nations Assistance Mission in Afghanistan (UNAMA) ay isang maliit na political operation na binubuo ng tinatayang 1,200 mga empleyado, na ang karamihan ay Afghan nationals at walang kasamang peacekeepers.
Dagdag pa ni Dujarric . . . “The UN has been present on the humanitarian development end in Afghanistan for a long, long time, and we will continue to be there to help the Afghan people. The organization would adapt to the situation on the ground.”
Kung isasama ang lahat ng UN agencies, ang kabuuang presensya ng organisasyon sa Afghanistan ay tinatayang nasa apat na libong katao , kung saan nasa 75% ang Afghan.
May dalawang UN envoys sa Afghanistan: si Deborah Lyons ng Canada na siyang pinuno ng UNAMA at ang veteran French diplomat na si Jean Arnault, na itinalaga nitong Marso para tumulong na magkaroon ng isang political solution sa kaguluhang nangyayari doon.
Nitong Miyerkoles ay inanunsyo ni US President Joe Biden, ang unconditional withdrawal ng US troops mula sa Afghanistan, kung saan binanggit niya na ang deadline ay sa September 11. Magsisimula naman ang pullout sa May 1, 2021.
Ang Pentagon ay mayroong nasa 2,500 troops sa Afghanistan, malaki ang ibinaba mula sa dating higit 100,000. Libu-libo pa ang nagsisilbing bahagi ng 9,600-strong NATO force, na magwi-withdraw na rin sa kaparehong petsa.
© Agence France-Presse