AFP Chief Faustino, nagpositibo sa Covid-19
Nagpositibo sa Covid-19 si Armed Forces of the Philippines chief Lt. Gen. Jose Faustino Jr.
Ayon kay AFP spokesperson Colonel Ramon Zagala, ito ay matapos sumailalim sa antigen test si Faustino.
Kaagad namang sumailalim sa RT-PCR test si Faustino at hinihintay pa nila ang resulta.
Sa ngayon, sinabi ni Zagala na naka-isolate na ang AFP Chief.
TL
Please follow and like us: