AFP handang humarap sa oral agrument sa SC kaugnay ng Martial Law declaration sa Mindanao

padilla

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines na magpaliwanag sa isinasagawang oral arguments sa Korte Suprema kaugnay ng petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa buong Mindanao kaugnay ng Marawi siege na ginawa ng mga teroristang Maute group.

Sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla sa regular na Mindanao Hour sa Malakanyang na ipapadala ng AFP ang mga kinakailangang opisyal upang sagutin ang lahat ng katanungan ng mga mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon kay Padilla handang humarap sa Korte Suprema sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff General Eduardo Año at iba pang military commanders na may kinalaman sa operasyon sa Marawi City.

Ang Korte Suprema ay nasa ikalawang araw na sa pagsasagawa ng oral arguments dahil sa petisyon ng mga grupong kontra sa Martial Law sa Mindanao.

Samantala, nakiusap si Padilla sa mga kritiko ng administrasyon na huwag ng palakihin pa ang isyu hinggil sa ginagawang pagtulong ng Amerika sa operasyon ng militar laban sa teroristang Maute group sa Marawi City.

Inihayag ni Padilla na legal ang ginagawang tulong ng US dahil ito ay naaayon sa eksistidong Mutual Defense Treaty  ng Pilipinas at Amerika.

Niliwanag ni Padilla na pawang technical assistance ang ayuda ng US upang matukoy ang posisyon ng mga terorista at hindi kasama sa combat operations ang mga Amerikano.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *