AFP iginagalang ang desisyon ng Baguio Court na hatulang guilty ang 3 ex-PMA cadet sa pagkamatay ng kapwa kadete
Nirerespeto ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang hatol na guilty ng korte sa Baguio City laban sa dating tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) kaugnay sa pagkamatay ng kadete na si Darwin Dormitorio dahil sa hazing.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Padilla, umaasa sila na magiging aral ito at hindi na ito masusundan pa ng panibagong insidente ng hazing sa PMA at iba pang training facilities ng AFP.
Tiniyak din ni Padilla na mahigpit na ipinapatupad ng liderato ng AFP ang Anti Hazing Law sa lahat ng educational institutions nito gaya ng PMA. Inihayag pa ni Padilla na maraming reporma na ipinatupad sa PMA mula nang mangyari ang Dormitorio hazing case.
Sa tala ng Crusade Against Violence, ang kaso ni Dormitorio ang ika-pito at huling naiulat na hazing incident sa PMA ” We do not wish to be reactive in this incident but more proactive kaya napakaraming changes na inimplement not just in terms of anti-hazing but sa lahat ng aspeto, nagtrinkle down to the lowest policy ” ani Col. Padilla
Moira Encina-Cruz