AFP, iginiit na hindi kailangan ang loyalty check sa kanilang hanay sa gitna ng mga nangyayari sa pulitika

Col. Francel Margareth Padilla/ AFP spokesperson

Buo ang tiwala ng liderato ng Armed Forces of the Philippines, na propesyunal ang lahat ng kanilang mga sundalo

Kaya naman hindi na raw nangangailangan sa ngayon na magsagawa ng loyalty check sa kanilang hanay sa gitna ng mga nangyayari sa pulitika.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nananatiling matatag ang kanilang chain of command at nagkakaisa ang buong sandatahang lakas

Ang bawat sundalo raw ay tapat sa konstitusyon, watawat at sa chain of command.

Samantala, nirerespeto naman daw ng AFP ang pahayag ni dating pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay sa umano’y fractured government na tanging militar lang ang makareresolba

Pakiusap ng AFP, huwag silang idamay sa usapin ng pulitika dahil sila ay isang apolitical organization.

Rear Admin Roy Vincent Trinidad

Ayon naman kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippines Sea Rear Admin Roy Vincent Trinidad, hindi makatutulong sa bansa ang pagkakawatak-watak

Kailangan daw na magkaisa ng bawat Pilipino upang harapin ang iba’t ibang issue na kinakaharap ng bansa.

Hindi raw dapat na makaapekto ang kasalukuyang sitwasyon upang mawala ang focus sa iba’t ibang suliranin, partikular na ang sitwasyon sa West Philippine Sea.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *