AFP at Malakanyang pinasalamatan ang media at publiko sa pagbibigay pugay sa mga namatay na sundalo at pulis sa Marawi City

padilla1

Courtesy of Wikipedia.org

 download
courtesy of wikipedia.org

Nagpaabot ng pasasalamat ang Armed Forces of the Philippines o AFP at Malakanyang sa Media at sa sambayanang Pilipino dahil sa pagbibigay pugay sa mga sundalo at pulis na nagbuwis ng buhay sa Marawi siege na ginawa ng teroristang Maute group.

Sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na hindi dapat kalimutan ang kabayanihan ng mga tropa ng pamahalaan na nag-alay ng kanilang buhay para sa kapayapaan ng bayan.

Ayon kay Padilla dapat patuloy na suportahan ang tropa ng pamahalaan na patuloy na nakikipaglaban sa mga teroristang Maute group upang tuluyang mapalaya ang Marawi City.

Hanggang ngayon ay nakalagay pa rin sa half mast ang mga bandila ng Pilipinas sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan bilang simbolo ng pagluluksa sa mga namatay na sundalo at pulis sa Marawi City.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *