AFP, may libreng sakay kaugnay ng transport strike
Mayroong libreng sakay ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines sa Metro Manila para sa mga maapektuhan ng malawakang transport strike ngayong araw na patungo sa kani-kanilang mga trabaho .
Sa panayam ng Eagle Night Watch, sinabi ni Brig. Gen. Restituto Padilla hindi lamang seguridad ang nakahanda nilang ipagkaloob sa mga commuter na apektado ng transport strike kundi maging ang libreng sakay sa mga military truck at private bus ng AFP na hindi pa naman ginagamit ang kanilang mga sundalo.
Samantala, nagpalabas din ng abiso ang ilang Munisipalidad sa National Capital Region na nakahanda rin silang magkaloob ng libreng sakay para sa lahat ng commuter na maaapektuhan ng malawakang transport strike ngayong araw.
Sa Valenzuela City nagtakda ang City Government ng libreng sakay ngayong araw, na nagsimula ng alas singko y medya ng umaga nagdeploy ang City Goverment ng 7 trucks na maaring sakyan ng mga commuter.
Samantala narito ang mga ruta ng mga naturang sasakyan:
– Along McArthur Highway, Malanday to Monumento vice versa
– Malinta – Paso de Blas
– MH Del Pilar Street Malanday – Polo
– Polo – Sangandaan
Sa mga taga Caloocan City North naman mayroon din libreng sakay at ito ay sa mga sumusunod na lugar :
– Phase 1 Bagong Silang to SM Fairvew
– Almar to Novaliches and vice versa.
Ang mga naturang sasakyan ay may nakasulat na “Operation Community Assistance”.
Maging ang Caloocan City ay magkakaloob din ng libreng sakay sa mga maapektuhang commuters ngayong araw
Narito naman ang mga ruta:
-Letre – MCU
– Sangandaan – Maypajo
– MCU – R.Papa
-Monumento – Trinoma para sa MRT/LRTcommuters