AFP nag-sorry dahil sa tumatagal na bakbakan sa Marawi City

Nag-sorry ang Armed Forces of the Philippines dahil sa tumatagal na bakbakan sa Marawi City.

Sinabi ni PIO Chief Col. Edgard Arevalo na maging ang mga sundalo ay nalulungkot dahil marami ang naapektuhang residente ng Lungsod.

Ayon kay Arevalo, hindi naman nila uubrang madaliing tapusin ang pakikipagsagupaan sa Maute group dahil maraming dapat ikonsidera dito.

Inihayag ni Arevalo na ginagamit ng mga kaaway ang mga sibilyan bilang human shields at para walang masyadong collateral damage ay kailangan din nilang maging maingat sa operasyon para protektahan ang mga naiipit na sibilyan sa Marawi City.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *