AFP, nilinaw na walang kinalaman sa Martial Law ang Memorandum 32 ng Malakanyang

 

Nilinaw ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na walang kinalaman sa nakaambang pagpapalawak ng Martial Law ang inilabas na Memorandum 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan inatasan nito ang pagdedeploy ng karagdagang tropa sa Samar, Negros island at Bicol region.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, walang katotohanan ang mga lumalabas na espekulasyon na may kaugnayan ang Memorandum 32, para palawigin pa ang umiiral na batas militar ngayon sa Mindanao.

Una nang inihayag ng AFP at PNP na suportado nila ang Memo 32 ng Pangulo.

Paliwanag ni Arevalo, layon lamang ng nasabing memorandum na harangin ang ginagawang atrocity ng CPP-NPA-NDF.

Samantala, ngayong linggo ay nakatakdang magpulong ang Joint Peace and Security coordinating committee para sa mga isasagawang hakbang, upang matugunan ang ‘State of Lawlessness” sa nasabing mga lugar.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *