AFP, pursigidong tuparin ang 15-day assessment ni Pangulong Duterte para matapos ang gulo sa Marawi
Pursigido ang Armed Forces of the Philippines na tuparin ang naging assessment ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos na ang giyera sa Marawi City sa susunod na labinlimang araw.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Marine Colonel Edgard Arevalo, gagawin ng militar ang lahat ng paraan para tuluyan nang durugin ang teroristang grupo.
Bilang Commander in Chief, batid ng Pangulo ang complexities sa ongoing operation sa Marawi.
Pagtitiyak pa ni Arevalo, hindi patitinag ang gobyerno na tuparin ang misyon nito na ibalik ang kapayapaan sa Mindanao region.
Please follow and like us: