AFP, umapila sa Korte Suprema na katigan ang isang taong extension ng Batas Militar at suspensyon ng Priviledge of Writ of Habeas Corpus
Umapila sa Korte Suprema ang Sandatahang lakas ng Pilipinas na paburan ang isang taong extension ng batas militar sa Mindanao at suspensyon ng priviledge of the Writ of Habeas Corpus.
Sa ikalawang araw ng Oral arguments sa mga petisyon kontra sa martial law extension, humarap at inilahad ng ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang mga naging aksyon nito at ang resulta ng implementasyon ng batas militar sa Mindanao.
Tinalakay din ni AFP Deputy Chief of Staff for intelligence Major General Fernando Trinidad sa inihanda nilang powerpoint presentation ang estado ng rebelyon sa Mindanao.
Ayon kay Trinidad, nagpapatuloy ang rebelyon sa Mindanao at ang lawak at presensya ng mga rebeldeng grupo, Abu sayyaf, NPA at mga supporters ng mga teroristang grupo ang naglalagay sa panganib sa seguridad ng bansa.
Mayroon pa rin aniyang mga sympathizers ang mga terorista at patuloy pa rin ang recruitment nito ng mga bagong miyembro.
Ayon pa kay Trinidad, ngayong Enero ay mga namonitor din silang presensya ng mga foreign fighters sa bansa.
Ilan din aniya sa mga nagsisilbing trainor ng grupo ay pawang mga dayuhang terorista gaya sa ilang parte ng Saranggani, Basilan, Lanao del Sur at iba pang bahagi ng Mindanao.
Iginiit pa ng opisyal na hindi layon ng kanilang apila na magkaroon ng dagdag na kapangyarihan ang AFP kundo upang mapabilis ang kanilang gampanin na matiyak ang kaligtasan ng publiko sa rehiyon at sa buong bansa.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===