Aftershocks, patuloy na nararanasan sa Mexico….Relief operations, apektado
Nahihirapan ang mga otoridad sa Mexico na magsagawa ng Relief operations kasunod ng magnitude na 8.1 na lindol.
Sa ngayon pumalo na sa 90 katao ang death toll sa malakas na pagyanig.
Malaking bahagi ng bayan ng Juchitan ang nawasak kung saan 37 sa nasabing bilang ay nagmula sa bayang ito.
Ayon sa mga eksperto at local officials, patuloy pa ring nararanasan ang aftershocks sa nasabing bayan.
Simula noong Huwebes ng nakalipas na linggo ay nakapagtala na ng 800 aftershocks, 60 dito ay may magnitude 4.5 pataas kabilang ang magnitude 5.2 na lindol.
Karamihan sa mga residente doon ay natutulog na lang sa labas ng kanilang mga tahanan dahil sa takot sa mga aftershocks na nagpabagsak ng maraming gusali at imprastraktura doon.