Agarang implementasyon ng lockdown, inirekomenda ng isang Senador
Inirekomenda ni Senador Francis Pangilinan ang agarang implementasyon ng lockdown sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID- 19.
Sa harap ito ng pagtaas na naman ng kaso ng nagpopositibo sa virus kung saan nakapagtala ng mahigit pitong libong kaso kahapon na pinakamataas na naitala mula noong June 13.
Sinabi ng Senador na kailangang matutukan ang mga lugar na may mataas na kaso para mapigilan ang pagkalat ng virus lalo na ng mas nakakahawang delta variant.
Babala ng Senador hindi malayong magpatupad ng lockdown lalo na sa Metro manila kapag hindi naagapan ang pagkalat ng virus.
Nauna nang inirekomenda ng OCTA research group ang dalawang linggong circuit breaker lockdown para pigilan na ang banta ng delta variant.
Meanne Corvera