Agarang pag-uuwi sa katawan ng mga OFW na nasawi sa Iraq, tinututukan ng Philippine Embassy
Tiniyak ng Kurdistan regional government na gagawin nila ang lahat para maibalik ang mga labi ng 13 OFW na nasawi sa sunog sa Capitol Hotel sa Iraq.
Karaniwang inaabot ng dalawang linggo o mahigit pa bago maiuwi ang nasawing OFW, subalit umaasa ang Philippine Embassy na hindi na ito magtatagal pa.
Nakatuon ngayon ang embahada na maiuwi agad ang mga labi ng mga biktima, at nakipagpulong na rin sila sa mga awtoridad sa Iraq ukol dito.
Please follow and like us: