Agarang repatriation sa mga OFW’s na nasa Israel inirekomenda ng mga Senador
Inirekomenda na ng mga Senador na magsagawa ng agarang repatriation sa mga pinoy na nasa Israel dahil sa kaguluhan doon.
Tinatayang nasa may dalawang libo ang mga Overseas Filipino Workers sa Gaza City pa lamang, ang sentro ng nangyayaring bakbakan
Ayon kay Senador Grace poe, kailangang ilikas na ang mga nakatira malapit sa bakbakan habang hindi pa isinasara ang mga borders doon
Sa impormasyon ni Senador Joel Villanueva, maraming Pinoy ang nasa mga bomb shelters na bagamat ligtas, hindi makatawid dahil ang ilang village doon ay kontrolado ng hamas group.
Itinulad pa aniya ng ilan nating kababayan sa Marawi siege ang nangyayaring karahasan ngayon sa Israel
Hinimok rin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga ahensya ng gobyerno na mabilis na umaksyon at gamitin ang pondo sa ilalim ng Assistanceto Nationals Fund para sa repatriation ng mga Pinoy doon
Meanne Corvera