Agosto, target ng gobyerno na maka-90% fully vaccinated na ang mga nasa A1, A2, A3 Priority list
Umaasa si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na sa Agosto ay naka-nobenta porsyento na ang bakunadong Health workers, Senior Citizens, at People with Comorbidities, lalo pa nga’t tuloy -tuloy na ang pagdating ng suplay ng mga bakuna.
Ngayong Hunyo nasa 11,058,000 thousand doses of vaccines ang kabuuang bilang na darating sa bansa na kinabibilangan ng Sinovac, Pfizer at Sputnik V.
Samantala, Setyembre naman inaasahang mas maraming nasa A4 group o Economic workers na ang nabakunahan.
Sinabi ni Galvez na sa kanilang tala, as of June 8, nasa 6.4 milyon na ang nabakunahan at posibleng makuha ang target na 500,000 vaccination kada araw.
Sa ngayon ayon pa sa kalihim, nakakapagbakuna na ng 218,000 katao kada araw.
Matatandaan na target ng gobyerno na makapagpabakuna ang nasa 60-70 milyong Pinoy hanggang sa Nobyembre.
Julie Fernando