Agri products productions pangunahing tututukan ng bagong kalihim ng DA
Nangako si bagong talagang Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na palalakasin ang food productions sa bansa alinsunod sa marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kanyang kauna-unahang press conference sinabi ni Secretary Laurel na isusulong niya ang modernisasyon ng agrikultura sa bansa upang pataasin ang local food production at hindi na umasa sa importasyon.
Kabilang sa palalakasin ay ang irrigation system, fertilization at pagtatayo ng mga post harvest facilities para tumaas ang rice production sa bansa.
Inihayag ni Laurel na mag-iikot siya sa ibat-ibang bahagi ng bansa para personal na alamin ang problema ng sektor ng mga magsasaka at mangingisda.
Niliwanag ni laurel na mahigpit ding ipatutupad ng kanyang tanggapan ang mga batas laban sa agricultural product smuggling.
Magugunitang mismong si Pangulong Marcos Jr. ang nagsabi noong nakaupo pa ito bilang Agriculture Secretary na ang smuggling sa mga agricultural products kasama ang hoarding at price manipulation ang pangunahing dahilan ng pagtataas ng presyo ng mga Agricultural products partikular ang bigas at sibuyas.
Vic Somintac