Agricultural sector sa Quezon province, lubhang naapektuhan ng bagyong Maring

Napinsala ng husto ang sektor ng agrikultura ng Quezon Province dahil sa pananalanta ng bagyong Maring.

Sa panayam ng programang Usapang Pagbabago, sinabi ni Quezon Governor David “JayJay” Suarez, ang nakalipas na dalawang araw na pag-ulan ay katumbas na aniya ng isang buwang pag-ulan.

Bukod dito, maraming mga barangay sa kanilang lalawigan ang lumubog, binaha rin ang mga paaralan at ang mga ilog ay umapaw.

Ngayong araw, nagdeklara pa rin sila ng kaselasyon ng mga klase sa mga paaralan upang makapaghanda ang mga guro at mga estudyante sa pagpasok nila bukas.

Patuloy pa nilang inaantay ang total agricultural damage na magmumula sa kanilang provincial disaster risk reduction management council.

Ito rin aniya ang magiging batayan nila kung kailangan silang magdeklara ng State of Calamity.

” Yung mga palayan natin nalubog na naman sa tubig, yung mga low-lying vegetables natin ay also affected, apektado rin ang ating mga corn producers. Sayang nga kasi this is the season na sana ay makabawi-bawi tayo sa agricultural sector but nevertheless ang mga bagay na ito ay hindi natin maiiwasan. We were now collating all the datas coming from our local disaster risk reduction and management offices both from cities and municipalities”.

 

 

 

 

                                  

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *