Aguaponic Technology, isinusulong ng QC at Department of Agriculture
Nilagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at Department of Agriculture Secretary William Dar ang isang Memorandum of Agreement na magsusulong ng Aquaponic Technology.
Layunin nito na patuloy na mahikayat at mahalin ng mga residente ng lunsod ang agrikultura, magkaroon ng kakayahan at kaalaman ang mga residente na magpalaki ng isda tulad ng tilapia at hito sa abot-kayang paraan.
Ang Aquaponic Technology ay maaring magsilbing alternative food production kung saan makapaghahatid ito ng masustansiyang isda at gulay sa mga pamilya.
Gumagamit ng “nutrient-rich” na tubig ito mula sa “fish unit” at pagkatapos ay maaaring gamitin bilang fertilizer sa mga pananim, kung kaya’y matipid at environmentally-friendly ang prosesong ito.
Kasama rin sa MOA signing si Mr. Emmanuel Hugh Velasco, co-chairperson ng QC Food Security Task Force at mga kinatawan ng DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-NCR.
Pagkatapos ng signing ceremony ay nagkaloob ng ilang aquaponic technology kits ang DA-BFAR para sa mga unang benepisaryo ng programa mula sa Brgy. Bagong Silangan.
Belle Surara