Aguirre pinaiimbestigahan sa NBI ang destabilization plot laban sa gobyerno ng ilang Senador at opposition leaders

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang NBI na imbestigahan ang sinasabing destabilization plot laban sa gobyerno na niluluto ng ilang Senador at iba pang lider ng oposisyon.

Ang kautusan ay inilabas ng kalihim noong June 7 na kaparehong araw kung saan niya idinawit ang ilang taga-oposisyon at political families sa sinasabing pulong sa Marawi City noong Mayo bago ang pag-atake doon ng Maute group.

Sa Department Order number 385 ni Aguirre, ipinagutos nito kay NBI Director Dante Gierran na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa aniya’y planong pagpapatalsik sa administrasyong Duterte.

Pinagsusumite rin ni Aguirre si Gierran ng report ng mga kasalukuyang aktibidad ng ahensya  kaugnay sa imbestigasyon.

Wala naman tinukoy ang kalihim na pangalan ng mga taga-oposisyon na iimbestigahan.

Una nang nilinis ang pangalan nina Senador Bam Aquino at ilang political clans kaugnay sa sinasabing Marawi meeting.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *