Aguirre sinatasan ang NBI na imbestigahan ang pagpaslang sa Provincial Health Officer na si Dr. George Repique Jr
Ipinagutos na rin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa NBI na imbestigahan ang pagpaslang sa Provincial Health Officer na si Dr. George Repique Junior.
Sa Department Order 486, inatasan ni Aguirre ang NBI na magsagawa ng case build-up at magsumite sa kanya ng report sa development at sa estado ng pagsisiyasat.
Si Repique ay galing sa kanyang hospital duty sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital nang siya ay pagbabarilin ng mga salaring nakaangkas sa motorsiklo noong July 11.
Kinondena ng DOH ang pagpaslang lalo na’t kilalang kumakalinga sa mga mahihirap si Repique .
Ulat ni: Moira Encina
Please follow and like us: