Agusan del Sur, Occidental Mindoro at Ilocos Norte, niyanig ng lindol
Niyanig ng halos magkasunod na lindol ang mga probinsiya ng Agusan del Sur at Occidental Mindoro kaninang madaling araw.
Alas 1:07 ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur.
Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 8 kilometro sa kanluran ng Loreto.
May lalim itong 43 kilometro.
Mmakalipas naman ang isang minuto , naganap ang magnitude 3.4 na lindol sa Occidental Mindoro.
Naitala ang epicenter ng pagyanig sa layong 24 kilometro sa bayan ng Looc.
May lalim naman itong 41 kilometro.
Pawang tectonic ang dahilan ng mga pagyanig.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs, hindi naman inaasahan ang mga pagkasira sa ari-arian at wala ring inaasahang mga aftershocks.
Samantala, niyanig din ng magnitude 3.2 na lindol ang Ilocos Norte kaninang ala – 1:14 ng madaling araw.
Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 26 kilometro sa kanluran ng bayan ng Currimao.
May lalim itong 15 kilometro at tectonic ang dahilan.
Hindi naman inaasahan ng Phivolcs ang mga kasunod na pagyanig at pagkasira sa ari-arian.
===========