Agusan del Sur tinamaan ng 5.9-magnitude na lindol
Tinamaan ng isang 5.9-magnitude na lindol ang Agusan del Sur ngayong Sabado, Pebrero 10.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang lindol kaninang alas-11:22 ng umaga.
Ang sentro nito ay dalawang kilometro sa timog-kanluran ng Esperanza, at may lalim na 27 kilometro.
Naitala ang mga intensities at instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensities:
Intensity II – City of Kidapawan, Cotabato
Intensity I – Arakan and Kabacan, Cotabato
Instrumental Intensities:
Intensity IV – City of Cagayan de Oro
Intensity II – City of Kidapawan, and Banisilan, Cotabato
Inaasahan din ang aftershocks at pinsala sa mga ari-arian.