Ahon Disaster Caravan, inilunsad sa Lungsod ng Malabon

Courtesy: Malabon City Government

Umarangkada na ang Ahon Disaster Caravan sa Malabon City Amphitheater, sa pamamagitan ng iba’t ibang interactive activities tulad ng Waste Segregation and Recycling, Knot Tying, Bandaging, CPR at iba pa.

Courtesy: Malabon City Government

Natutuhan ng mga mag-aaral mula sa 14 na paaralang aktibong lumahok sa nasabing aktibidad, ang mahahalagang kaalaman at kasanayan sa pagtugon sa anumang uri ng sakuna.

Courtesy: Malabon City Government

Pinangunahan ng alkalde ng lungsod na si Mayor Jeannie Sandoval at ng DRRMO, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng munisipalidad, ang nasabing aktibidad.

Courtesy: Malabon City Government

Courtesy: Malabon City Government

Layon nito na ihanda ang bawat kabataan ng lungsod sa wastong pagtugon sa panahon ng kalamidad, at itaguyod ang kaalaman sa kaligtasan at kahandaan sa sakuna.

Courtesy: Malabon City Government

Aldrin Puno

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *