AI panganib para sa Hollywood stunt workers
Nangangamba ang mga nagwewelgang artista ng Hollywood na aagawin ng artificial intelligence ang kanilang mga trabaho, ngunit para sa maraming stunt performers, ang pangambang ito ay isa nang reyalidad.
Mula sa “Game of Thrones” hanggang sa pinakabagong superhero movies ng Marvel, matagal nang gumagamit ang mga studio na nagtitipid sa gastusin ng mga computer-generated background figure upang bawasan ang bilang ng mga aktor na kailangan para sa battle scenes.
Ang paglaganap ng AI ay nangangahulugan na ang mas mura at mas matitinding mga diskarte ay ginagamit upang lumikha ng “highly elaborate” action sequences gaya ng habulan ng mga sasakyan at barilan, nang hindi kailangan ng tao na mas mahal ang bayad.
Ang stunt work, na isang matagal nang Hollywood tradition mula pa sa silent epics hanggang sa pinakabagong “Mission Impossible” ni Tom Cruise, ay nanganganib na mabilis na mawala.
Sinabi ni Freddy Bouciegues, stunt coordinator para sa mga pelikulang gaya ng “Free guy” at “Terminator: Dark Fate,” “The technology is exponentially getting faster and better. It’s really a scary time right now.”
Stunt coordinator Freddy Bouciegues photographed during a Stunts Master Class training session at the Tempest Academy in Chatsworth, California
Ginawa na ngayong requirement ng mga studio na sumailalim sa high-tech 3D “body scans” sa set ang mga stunt at background performer, na sa malimit na pagkakataon ay hindi ipinaliliwanag kung paano o kailan nila gagamitin ang images.
Ang pagsulong ng AI ay nangangahulugan na ang mga pagkakatulad (likenesses) ay maaaring gamitin sa paglikha ng mga detalyado, lubhang reyalistikong “digital replicas” na maaaring gumawa ng anumang galaw o magsalita ng anumang dayalogo na nais ng lumikha rito.
Nag-aalala si Bouciegues na maaaring gamitin ng producers ang nabanggit na mga virtual avatar para palitan ang “nondescript” stunt performers, tulad halimbawa ng mga gumaganap na pedestrians na nagsisitalon upang makaiwas sa naghahabulang mga sasakyan.
Aniya, “There could be a world where they said, ‘No, we don’t want to bring these 10 guys in… we’ll just add them in later via effects and AI. Now those guys are out of the job.”
Subalit ayon sa direktor na si Neill Blomkamp, na ang bagong pelikulang “Gran Turismo” ay ipalalabas na sa August 25, “Even that scenario only scratches the surface. The role AI will soon play in generating images from scratch is ‘hard’ to compute.”
Pangunahing ginamit ng “Gran Turismo” ang mga stunt performer na nagmamaneho ng mga tunay na kotse sa aktwal na racetracks, na may ilang computer-generated effects na idinagdag para sa isang partikular na kumplikado at mapanganib na eksena.
Ngunit hinuhulaan ni Blomkamp na, sa loob ng anim o 12 buwan, maaabot ng AI ang isang punto kung saan makakabuo ito ng photo-realistic footages tulad ng high-speed crashes na base lamang sa instructions ng direktor.
Ayon kay Blomkamp, “At that point, ‘you take all of your CG (computer graphics) and VFX (visual effects) computers and throw them out the window’ and you get rid of stunts, and you get rid of cameras, and you don’t go to the racetrack. It’s that different.”
The lack of guarantees over the future use of AI is one of the major sticking points in the ongoing strike by the Screen Actors Guild (SAG-AFTRA) and Hollywood’s writers / AFP
Ang kawalan ng garantiya sa paggamit sa AI sa hinaharap ay isa sa pangunahing dahilan ng nagpapatuloy na welga ng Screen Actors Guild (SAG-AFTRA) at mga manunulat ng Hollywood, na isangdaang araw nang nagpoprotesta.
Noong isang buwan ay nagbabala ang SAG-AFTRA na intensiyon ng mga studio na lumikha ng “realistic digital replicas” ng mga performer, upang panghabang panahon nang gamitin, sa alinmang proyektong nais nila, na ang gastos ay katumbas lang ng “one day work.”
Itinatanggi naman ito ng mga studio, sa pagsasabing nag-alok sila ng mga panuntunan kabilang na ang “informed consent and compensation.”
Ngunit babala ni Bouciegues, “No matter how good the technology has become, “the audience can still tell” when the wool is being pulled over their eyes by computer-generated VFX.”
Aniya, “Even if AI can perfectly replicate a battle, explosion or crash, it cannot supplant the human element that is vital to any successful action film, and I’m talking about Cruise’s recent “Top Gun” and “Mission Impossible” sequels.”
Dagdag pa nito, “He uses real stunt people, and he does real stunts, and you can see it on the screen. For me, I feel like it subconsciously affects the viewer.”
Sinang-ayunan naman ito ni Blomkamp, na nagsimula ng kaniyang career sa VFX, at siyang nag-direk sa Oscar-nominated film na “District 9” sa pagsasabing, “Current AI technology still gives ‘slightly unpredictable’ results. But it’s coming… It’s going to fundamentally change society, let alone Hollywood. The world is going to be different.”
Para naman sa mga stunt worker tulad ni Bouciegues, ang pinakamahusay na resulta ngayon ay ang paghaluin ang paggamit ng mga human performer sa VFX at AI para ilabas ang mga sequence na magiging masyadong mapanganib kung ang gagamitin lamang ay ang mga makalumang technique.
Aniya, “I don’t think this job will ever just cease to be. It just definitely is going to get smaller and more precise.”
Sinabi pa nito, “Every stunt guy is the alpha male type, and everybody wants to say, ‘Oh, we’re good.’ But I personally have spoken to a lot of people that are freaked out and nervous.”