Aid groups sa Libya, nagbabala sa pagkalat ng sakit kasunod ng mapaminsalang baha na tumama roon
Nagbabala ang aid groups sa lumalaking panganib ng pagkalat ng mga sakit na makapagpapalala sa humanitarian crisis sa Libya, habang nababawasan na rin ang pag-asang may makita pang survivors ilang araw makalipas ang mapaminsalang pagbaha sa lugar.
Lumubog ang port city ng Derna sa grabeng baha noong Linggo, kung saan tumangay ito ng libu-libong katao at mga bahay sa dagat makaraang sumabog ang dalawang dam dahil na-pressure ng napakalakas na pag-ulan na dulot naman ng bagyong may lakas ng isang hurricane.
Bagama’t sinabi ng Libyan Red Crescent secretary-general na 11,300 katao ang namatay, may mga napaulat na magkakaibang bilang ng mga nasawi, kung saan iba’t ibang pagtaya ang ibinigay ng mga opisyal sa silangang bahagi ng Libya.
Nagbabala ang aid organisations gaya ng Islamic Relief and Doctors Without Borders (MSF), na sa darating na mga araw ay maaaring kumalat ang mga sakit at maging mahirap din ang pagdadala ng ayuda sa mga lubhang nangangailangan.
Aid organisations have pointed to the difficulty in coordinating aid to flood-hit Derna / Abdullah Doma, AFP
Nagbabala rin ang Islamic Relief ng isang “second humanitarian crisis” pagkatapos ng baha, na ang tinutukoy ay ang “lumalaking panganib ng water-borne diseases at kakulangan ng pagkain, masisilungan at gamot.”
Sinabi ni Salah Aboulgasem, ang deputy director of partner development ng organisasyon, “Thousands of people don’t have anywhere to sleep and don’t have food. In conditions like this, diseases can quickly spread as water systems are contaminated. The city smells like death. Almost everyone has lost someone they know.”
Samantala, nagpadala na ang MSF ng mga team sa silangang bahagi ng bansa upang i-assess ang tubig at sanitasyon.
Ayon kay Manoelle Carton, medical coordinator ng MSF sa Derna, “With this type of event we can really worry about water-related disease, and the efforts to coordinate aid is chaotic,”
Gayunman, binigyang-diin ng Red Cross at ng World Health Organization (WHO), na taliwas sa malawakang paniniwala, ang bangkay ng mga biktima ng “natural disasters” ay bihirang magdulot ng banta sa kalusugan.
Sa kaniya namang social media post, ay hinimok ni Stephanie Williams, isang US diplomat at dating UN envoy sa Libya, ang pagkakaroon ng global mobilisation o pandaigdigang pagkilos para sa koordinasyon ng aid efforts.
Babala ni Williams, “The predilection of Libya’s predatory ruling class to use the pretext of ‘sovereignty’ and ‘national ownership’ to steer such a process on their own and in a self-interested manner.”
Sa isang news conference, ay binigyang-diin ni Ahmed al-Mesmari, tagapagsalita para sa east-based military strongman na si Khalifa Haftar, ang “napakalaking pangangailangan para sa reconstruction.”
Ang United Nations ay naglunsad ng apela para sa higit sa $71 milyon upang tulungan ang daan-daang libong nangangailangan at nagbabala na ang “lawak ng problema” ay nananatiling hindi malinaw.
Sinabi naman ni UN aid chief Martin Griffiths nang siya ay manawagan para sa koordinasyon sa pagitan ng dalawang magkalabang administrasyon ng Libya, “We don’t know the extent of the problem.”
Storm Daniel tore through Derna, leaving entire neighbourhoods in ruins / AFP
Ang Libya ay mayroong dalawang administrasyon, isa ay ang gobyernong kinikilala ng buong mundo at suportado ng United Nations na naka-base sa Tripoli, habang ang isa ay naka-base sa silangan na siyang tinamaan ng matinding baha.
Ayon sa tagapagsalita ng Libyan Red Crescent na si Twfik Shouki, “Teams from the Libyan Red Crescent are ‘still searching for possible survivors and clearing bodies from the rubble’ in the most damaged areas of Derna.”
Sinusubukan naman ng ibang teams na magdala ng lubhang kinakailangang tulong sa mga pamilya sa silangang bahagi ng lungsod, na hindi gaanong naapektuhan ng baha ngunit hindi ma-access dahil sa napinsalang mga tulay.
Binigyang-diin niya ang “very high level of destruction’ sa siyudad, ngunit tumanggi ring magbigay ng bilang ng mga biktima.
Bagama’t marami ang nangangamba na ang totoong bilang ng namatay ay mas mataas pa, sinabi ni Tamer Ramadan ng International Federation of Red Cross at ng Red Crescent Societies, na mayroon pa ring pag-asa na makakita ng survivors pero tumanggi ring magbigay ng bilang.
Samantala, sinabi ng International Organization for Migration, “Over 38,640” people had been left homeless in eastern Libya, 30,000 of them in Derna alone.”