Aid to fight Poverty, isinasagawa ng Iglesia ni Cristo  sa Quirino Grandstand ngayong linggo , July 15


Sa harap ng patuloy na nararanasang kahirapan… muling nagsagawa ng malaking Medical at Dental mission ang Iglesia ni Cristo ngayong linggo, Hulyo 15 na idinaos sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ito ay bahagi pa rin ng  programa ng INC na Lingap laban sa Kahirapan o Aid to fight Poverty  na layong matulungan hindi lang ang mga miyembro ng INC kundi maging ang mga kababayan na nangangailangan ng tulong.

Ayon kay Dr. Sergie Santos, director ng Felix Y. Manalo  foundation, inaanyayahan ang lahat na magtungo sa venue para mabigyan ng libreng tulong medical at dental .

Ang ipagkakaloob na libreng medical at dental assistance ng INC ay kinabibilangan ng blood count, blood sugar determination, urinalysis, x-ray, ultrasound, 2d echo, genetic screening, dental extraction at marami pang iba.

Aniya, inaasahang aabot sa 30,000 katao o mahigit pa  ang mapagkakalooban ng tulong medikal at dental…. mas marami kumpara sa isinagawang Lingap sa Mamamayan noong nakalipas na taon na isinagawa sa Maharlika village sa Taguig city kung saan 27,000 katao ang natulungan.

Tiniyak ni Dr. Sergie Santos na nasa 1,400 ang medical personnel na tutulong sa aktibidad para masigurong masusuri lahat ng mga kababayan nating dadagsa sa “lingap laban sa kahirapan” na isasagawa ng INC.

Bukod sa medical at dental services may inihanda ring entertainment program at 200,000 food packs.

Aniya, ipamamahagi ang mga nasabing goody bags pagkatapos ng isasagawang Grand Evangelical mission o Bible study na magsisilbing highlight sa nasabing malaking aktibidad.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *