Air pollution sa Metro Manila , malaking problema din ngayong taglamig
Bukod sa nararanasang Pandemya, kinakailangan ding mag-ingat ang publiko sa polusyong dala ng hangin.
Ito ay matapos sabihin ni Engineer Jundy del Socorro, Chief of Air Quality Management section ng DENR na malaking problema ang air pollution ngayong nakararanas ng malamig na panahon.
Paliwanag ni Engineer Socorro sa programang Sa Ganang Mamamayan, na kapag malamig ang panahon mas tumatagal ang live particles sa breathing level ng tao .
Kaya malaking tulong ang laging pagsusuot ng facemask hindi lamang proteksyon sa virus kundi proteksyon narin sa polusyon.
Sinabi pa ni Socorro na inaasahang hanggang sa Pebrero ay mararanasan ang malamig na panahon sa bansa.