Akala mo lang totoo, pero, hindi pala!
Kumusta na mga kapitbahay?
Alam po ninyo si Dr. Irma Antonio-Pilar, isang Endocrinologist ay nagbahagi ng mga karagdagang impormasyon na dapat ay alam natin, tungkol sa goiter. Isa-isahin natin…
- Ang isang tao ay puwedeng magkagoiter kapag sobrang magsalita, kumanta o maghihiyaw.
Sagot: Mali. Hindi tutoo, kasi magkaiba ang vocal cord na nagpoproduce ng sound sa thyroid gland. Ang thyroid gland ay nasa ‘base’ lang ng leeg. - Nagkaroon ng goiter nang manganak o dahil sa pag-iri sa panganganak.
Sagot: Hindi tutoo. Sa mga buntis na nagkaka goiter, maaaring ang dahilan ay ang tinatawag na iodine deficiency, kasama na ang hormonal changes during pregnancy. - Tutoo ba na bawal ang cabbage o repolyo, cauliflower, broccoli o bok choy na kainin?
Sagot: Hindi po. Basta in moderation lang ang pagkain at hindi napakarami. Ang mga gulay na ito ay cruciferous vegetables kung tawagin, kaya kapag sobra na kinain ay goitrogenic.
Parang pinipigilan ang pagpoproduce ng hormones sa thyroid kapag sobra. Pero kung nakahalo naman sa mga lutuin like pansit ay hindi naman nakakagoiter, basta kainin ang cruciferous vegetables in moderation. - Ang goiter ba ay nasa loob o nasa labas, may ganito ba?
Sagot: Actually, walang goiter sa loob o labas. Ang thyroid gland ay fixed ang location. - Makatutulong ba ang pagkain ng maraming seafoods para gumaling ang goiter?
Sagot : Maraming klase ang goiter merong hyperthyroidism (hindi puwedeng kumain ng maraming seafoods); hypothyroidism (okay ang seafoods but in moderation). - Namamana ba ang goiter?
Sagot: Maaaring mamana pero hindi naipapasa from mother to baby. Ngayon ay puwede nang ipa-screen ang sanggol kung mababa ang hormone level. Hindi tutoo na kapag
may goiter si mommy, magkakaroon ng goiter si baby.
Paalala ni Doc Irma na lubhang importante na ang sanggol ay maipanewborn screening para malaman kung may congenital hypothyroidism ang sanggol.
Siyanga pala, sabi ni Doc Irma, hindi nakahahawa ang goiter.
So, ayan mga kapitbahay, sana ay nakatulong ang mga imporasyong ito, at para sa iba pang impormasyon, puntahan po ninyo ang website ng Radyo Agila (radyoagila.com).
Marami pong salamat!
Please follow and like us: