Aklan piña textile, nagkamit ng international award sa California, USA
Kinilala sa isang international award ang Aklan piña textile sa larangan ng paglikha ng mga magaganda at may kalidad na telang gawang kamay.
Nakamit ni Cutural Master Raquel Eliserio na mula sa bayan ng Balite, Aklan ang Global Eco Artisans Award 2021, sa isang kompetisyong ginanap sa California at nilahukan ng nasa 500 participants mula sa ibat ibang habagi ng mundo.
Ang kompetisyon ay proyekto ng Agaati, isang “sustainable womenswear brand” na naka-base sa California, na naglalayong ipakilala sa buong mundo ang mga magaganda, dekalidad at mamahaling mga mga tela at accesories na gawang kamay.
Sa Facebook post ni Eliserio, sinabi nito na ilang buwan din ang kanilang ginawang paghahanda para sa kompetisyon gamit ang mga tradisyonal na pamamaraan ng paghahabi upang pag-ugnayin ang nakalipas at kasalukuyang henerasyon para mapanatiling buhay ang mga natatanging produkto na gawang Pilipino.
Hindi aniya madali ang proseso ng paghahabi ng piña cloth dahil marami pa itong pagdadaanan kayat labis ang kanyang pasasalamat sa mga magsasaka, knotters, scrapper at warpers na nagsakripisyo at namuhunan ng pagod para mkapagproduce ng pinakamagandang klase ng piña fibers.
Sa pamamagitan aniya ng mga obra maestrang ito ay muli na namang namayagpag ang ating bansa
Ang Aklan ay kilala hindi lamang sa magagandang tourist spot kundi sa paggawa ng mgaganda at dekalidad na Piña fiber cloth na isang produktong pang-export ng lalawigan.
Grace Ann Ramos / Eagle News, Aklan