Aktibong kaso ng COVID-19 sa Bureau of Corrections, 14 na lamang
Nasa 14 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bureau of Corrections.
Ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, mula sa nasabing bilang ay dalawa ang nasa ospital kung saan ang isa ay tauhan ng kawanihan at ang isa ay person deprived of liberty o PDL.
Ang natitirang 12 active cases anya ay pawang BuCor personnel na naka-self -quarantine mula noong nakaraang linggo at on the way to recovery na.
Samantala, may mahigit 300 PDLs, trainees, at kawani ng BuCor ang nagpositibo sa rapid Antigen test.
Pero, sinabi ni Chaclag na naka-isolate na ang mga ito nang mahigit isang linggo, asymptomatic, at hindi itinuturing na COVID positives.
Kung may sintomas anya ng COVID ang tauhan o inmate ay isasailalim ito sa mandatory rapid Antigen at RT- PCR tests.
Weekly rin anyang sumasailalim ang mga ito sa rapid Antigen test at kapag negatibo ay balik trabaho o sa kanilang prison camp.
Ang ganitong proseso anya ay nagriresulta sa mataas na recovery rate sa loob ng BuCor.
Inihayag ni Chaclag na kampante ang BuCor Health Service na maayos ang paghawak nila sa COVID-19 situation sa kawanihan at jail facilities nito.
Gayunman, aminado ang BuCor na kaunti na lang ang suplay nila ng Antigen test kits kaya naghahanap sila ng mga donors na maaaring magkaloob nito habang nasa proseso sila ng pagbili ng karagdagang rapid test kits.
Moira Encina