Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, bumaba na sa 10,000
Nasa 10,000 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Sa pinakahuling tala ng DOH Center for Health Development- CALABARZON nitong July 20, umaabot na lamang sa 10,723 ang mga pasyente na nagpapagaling o ginagamot pa mula sa COVID.
Ito ay makaraang makapagtala ng 444 bagong kaso ng virus habang may bagong nakarekober na 790 sa Region IV-A.
Umabot naman sa 19 ang bagong namatay dahil sa sakit kaya 6,057 na ang pumanaw sa rehiyon bunsod ng COVID.
Sa kabuuan ay 201,438 ang kumpirmadong kaso ng COVID sa CALABARZON habang 184,658 ang pasyenteng nakarekober.
Moira Encina
Please follow and like us: