Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, umakyat na sa halos 35,000
Umaabot na sa 34,890 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Sa tala ng DOH CALABARZON nitong September 1, nadagdagan ng 2,612 bagong kaso ng virus ang rehiyon.
Gayunman, may bagong gumaling na COVID patients na 1,317 at pumanaw na 44 na pasyente.
Sa kabuuan ay 261,194 ang nagpositibo sa sakit kung saan 218,645 ang nakarekober at namatay ang mahigit 7,000.
Ang Cavite ang may pinakamaraming active cases sa Region IV-A na 15,304 at sumunod ang Laguna na 8,343.
Bukod sa pagsunod sa minimum health protocols, hinimok ng DOH CALABARZON ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 bilang dagdag na proteksyon laban sa virus sa harap na rin ng banta ng mas nakahahawang Delta variant.
Moira Encina