Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, umakyat na sa mahigit 10,000


Lumagpas na sa mahigit 10,000 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Ito ay matapos makapagtala ang DOH CALABARZON ng 693 bagong kaso ng virus sa rehiyon.

Sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, kabuuang 10,264 ang active cases ng COVID sa Region IV-A.

Dahil dito, aabot na sa 89,700 ang kabuuang nahawahan ng virus sa rehiyon mula noong nakaraang taon.

Halos 77,000 naman na ang gumaling mula sa sakit kung saan 40 ang bagong recoveries.

May naitalang anim na bagong pumanaw kaya umabot na sa 2,477  ang COVID deaths.

Ang Cavite, Rizal, at Laguna na isinailalim sa ECQ ang tatlong may pinakamaraming active cases sa rehiyon.

Mahigit 3,700 ang kasalukuyang COVID positive sa Cavite; mahigit 2,300 sa Rizal; at mahigit 1,900 naman sa Laguna.

Moira Encina

Please follow and like us: