Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, umakyat sa mahigit 27,000
Lagpas na sa 27,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON nitong August 23, naitala ang 27,189 active cases ng COVID sa rehiyon matapos na madagdagan ng 2,367 bagong kaso at bagong gumaling na 1,418.
Sa kabuuan ay 241,132 ang kumpirmadong nahawahan ng virus habang 206,753 ang recoveries sa Region IV-A.
Nakapagtala rin ang rehiyon ng 47 bagong pumanaw kaya 7,190 na ang namatay na COVID patients sa CALABARZON.
Ang Cavite ang may pinakamaraming aktibong kaso ng virus na 12,185 at bagong naidagdag na kaso na 1,371 sa rehiyon.
Pangalawa ang Laguna sa CALABARZON na may pinakamaraming active cases na 6,638 at new cases na 549.
Una nang kinumpirma ng DOH na may community transmission na ng Delta variant ng COVID sa NCR at CALABARZON.
Moira Encina