Aktibong kaso ng COVID-19 sa DOJ, bumaba na sa 14
Nabawasan na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa punong tanggapan ng DOJ sa Maynila.
Sa pinakahuling tala ng DOJ, kabuuang 14 na tauhan na lamang ng kagawaran ang nagpapagaling pa mula sa COVID.
Ito ay makaraang makarekober na mula sa sakit ang 66 DOJ personnel na nagpositibo ngayong taon.
Sa kabuuaan ay 80 kawani ng DOJ ang nahawahan ng COVID mula magsimula ang bagong taon.
Noong 2021, naitala ang 94 empleyado na nagka-COVID habang noong 2020 ay 18.
Samantala, lagpas sa 96% ng DOJ officials at personnel ang bakunado na laban sa virus.
Katumbas ito ng 772 kawani mula sa kabuuang 804 DOJ staff.
Nagkaroon din ng COVID booster vaccination sa DOJ nitong Huwebes.
Umabot sa 500 kawani ang naturukan ng booster shot na Moderna.
Moira Encina