Aktibong kaso ng COVID-19 sa DOJ, umabot na sa 46
Umakyat na sa 46 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Department of Justice.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang nasabing bilang ng mga nahawahan ng virus sa DOJ ay base sa pinakahuling datos nila nitong tanghali ng Martes.
Sa kabuuan anya ay may 66 na kumpirmadong kaso ng COVID sa DOJ mula noong 2020.
Samantala, sinabi ni Guevarra na hindi na palalawigin ang lockdown sa kagawaran.
Simula aniya ngayong Miyerkules, March 24 ay balik na ang on-site na trabaho ng mga kawani ng DOJ.
Pero, ang mga papasok lang aniya ng pisikal sa mga tanggapan sa DOJ ay ang 30% ng mga empleyado habang ang nalalabi ay work from home munang muli.
Magtatagal ang nasabing working arrangement sa departamento hanggang April 4.
Inihayag ni Guevarra na lumalabas na bumagal ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa DOJ.